Biyernes, Hunyo 28, 2013

ANG PAGBABASBAS NG IMAHEN NG BIRHEN NG BALINTAWAK


Ang rebisyong ito ay pinagsang-ayunan ng Acolytes of St. Basil (Komite ng Liturhiya ng Diyosesis ng Kabite) upang iugnay ang Imahen sa Apostolika at Katolikang katuruan na hindi nalalayo sa orihinal na teksto ng panalangin. Ito ay hindi kontradiksiyon sa unang bersiyon na inaprubahan ng Supreme Council of Bishop noong taong-1926. Ito ay hindi pa opisyal at maaaring sumailalim sa pag-apruba ng konseho.

        Marapatin Mong basbasan ang imahe ng Birhen ng Balintawak         na kung saan, ang unang pagtangis at sigaw ng kasarinlan ay naihayag. Mula kay Moses at mga propeta, hanggang kay Hesus kasama ang mga apostoles, ebanghelista at mga apolohetiko ay nangaral; na ang mamamayan ay magsumikap at mag-ukol ng kanilang yaman hanggang sa huling sentimo upang makamtan ang kalayaan ng bansa, at si Rizal ay nagkaloob ng halimbawa na ang isang makabayan ay handang mag-alay ng buhay para sa ikabubuti ng nakararami. Sa pamamagitan ng imaheng ito, ay maging inspirasyon nawa namin ang pinagpalang Birheng Maria na naghangad din ng kalayaan sa pamamagitan ng Pag-awit ng Pusong Nagpapuri sa Iyo. Ang Katipunerong Nino ay kumakatawan sa kanyang Anak na si Hesus, isang batang mandirigma; na naghangad din ng kalayaan laban sa pang-aalipin ng kasamaan tungo sa kasaganahan ng buhay sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mabuting balita sa mga dukha, nagpagaling sa mga may karamdaman, nagpakain sa mga nagugutom, nagpakasakit, namatay sa Krus para sa kanyang bayan, inilibing at muling nabuhay sa ganap na tagumpay laban sa kasalanan. Sa Ngalan Mo oh magpamahal naming Ama ng sansinukob nawa’y ang imaheng ito ay maging inspirasyon namin sa pagmamahal at pasasalamat sa Iyo, sapagkat niloob Mong Siya’y maging ina namin; kami maging banal at mapanatili ang init ng sagradong apoy ng pagkamakabayan; tunay Kang pinagpala, kaya nga’t aming inihahayag na ang Imaheng Birhen ng Balintawak ay Ina ng Diyos na si Hesus na naghahangad ng ganap ng kasarinlan. Sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesus + at sa  patnubay ng Espiritu Santo +, iisang Diyos + magpasawalang-hanggan. Amen.

Miyerkules, Hunyo 26, 2013

Bilang itinalagang tagapanguna (Fr. Ron Ojascastro) sa Komite ng Liturhiya ng Diyosesis ng Cavite ay binansagan ko itong ACOLYTES OF ST. BASIL o (Ang Mga Tagapaglingkod ni San Basilio). Ang kadahilanan kung bakit ko napili ang mga katagang nabanggit ay sa mga kadahilanang:

1. Ang salitang "Acolyte" (Akolito o Sakristan sa Filipino) ay nangangahulugang tagapaglingkod ng isang kleriko sa mga serbisyong liturhikal.

2. Si San Basiliong Dakila (St. Basil the Great) ng Ceasarea (329-379) ay isang Griyegong Obispo sa Cappadocia, Minor Asya, o mas kilala ngayon sa bansang Turkey. Ang apat sa kanyang mga anak ay kilala rin bilang mga santo na sina: "Ang nakababatang si Macrina", Naucratius, si Pedro ng Sebaste at Gregorio ng Nyssa.

Isa siya sa mga may maraming naiambag sa liturhiya ng simbahan partikular na sa pagbalangkas (pagsulat) ng mga bahagi ng Banal na Liturhiya ng Misa (The Divine Liturgy) at iba pang mga panalangin katulad ng "Umaga at Gabing Pagsamba" (The Morning/Evening Prayer), at pagpapaunlad ng mga awiting pangsimbahan at marami pang iba.
++++++++++++++++++++

Ang mga miyembro ng Komite/samahan:
1. Fr. Cedrick Mendez
2. Sis. Kristoni Reyes-Mariano
3. Sis. Glenda Maria Antazo



++++++++++++++++++++++++
Proposed "SACRAMENTO FILIPINO" Book Cover. Content: Compiled Copy of Sacramentaries, translated in Filipino from the Filipino Ritual and Filipino Missal of the IFI, Declaration of Faith and Articles of Religion in Filipino Translation, List of Saints recognize by the IFI (Canonized by the Roman Church from early 450 AD to 1902) ETC. 
COMMENTS ARE WELCOME.